Mayor Sonny Perez Collantes Nirespondehan ng Agaran ang Sumiklan na Sunog sa Brgy. Trapiche

𝐒𝐮𝐧𝐨𝐠, 𝐬𝐮𝐦𝐢𝐤𝐥𝐚𝐛 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐓𝐫𝐚𝐩𝐢𝐜𝐡𝐞; Mayor Sonny Perez Collantes Agarang Rumesponde

Kasalukuyang nagpapaabot ng tulong ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa mga 120 pamilyang apektado ng sunog na sumiklab kagabi sa Brgy. Trapiche 1 kung saan agarang nirespondehan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang BFP R4A Tanauan City, BFP R4A Tanauan City Fire Station, Tanauan Local Social Welfare and Development at Sangguniang Barangay ng Trapiche.

mayor sonny collantes, mayor sonny perez collantes, tanauan city mayor, mayor of tanauan city batangas

Ayon sa ulat ng BFP Tanauan City, nagsimula ang sunog pasado 11:00 PM ng gabi ng ika-08 ng Mayo sa residential area ng Purok 1 kung saan 58 kabahayan ang tinupok nito. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

mayor sonny collantes, mayor sonny perez collantes, tanauan city mayor, mayor of tanauan city batangas
Nagsilbing pansamantalang tirahan naman ng ating mga kababayan ang tahanan ni Brgy. Trapiche Kap. Darwin Tan kung saan agarang nagpaabot ng bigas, gamit pantulog at panluto at mga grocery packs.

Sa ngayon, inaasikaso na rin ng Tanauan CSWD ang evacuation area sa Brgy. Sambat para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.

Previous Cash Incentives sa mga Centenarian ng Sulpoc at Montañano!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved