Mayor Sonny Perez Collantes, nagpaabot ng suporta sa mga miyembro ng St. John the Evangelist Cenacle of Prayer

Mayor Sonny Perez Collantes, nagpaabot ng suporta sa mga miyembro ng St. John the Evangelist Cenacle of Prayer na bahagi ng Villa Maria Fatima Center For Asia
Bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ngayong araw ang mga miyembro ng St. John the Evangelist Cenacle of Prayer sa pangunguna ni Ms. Agapita Nery upang ipaabot ang planong pakikipagtulungan ng Villa Maria Fatima Center for Asia sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.
Bilang aktibong pakikibahagi, nagpaabot ng tulong pinansyal ang ating Mayor Sonny Perez Collantes bilang suporta sa mga proyekto ng ating simbahan at maging sa mga outreach programs na ipinapaabot sa ating mga kababayang Tanaueño.
Previous Tanauan City College KUMUSTAHAN 2023!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved