Tanauan City College KUMUSTAHAN 2023!

Tanauan City College KUMUSTAHAN 2023!
Sa pagbubukas ng 2nd Semester sa Tanauan City College, nagkaroon ng isang masayang Students Orientation ang nasabing paaralan sa Gymnasium 2 na dinaluhan nina Mayor Sonny Perez Collantes , Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes.
Bahagi ito ng aktibidad ng naturang paaralan para ipaalam ang mga programang inihanda ng Pamahalaang Lungsod sa pagsisimula ng pasukan. Ito ay magsisilbi ring daan upang malaman ng ating butihing Mayor ang pangangailangan ng ating mga kolehiyo.
Patuloy rin na makikibahagi at tutulong sina Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes sa paglikha ng mga proyekto na lilinang sa husay, dedikasyon at pag-unlad ng bawat mag-aaral.
Sa isang mensahe, sinabi ng ating Punong Lungsod na kasado na ang Scholarship program ng Lokal na Pamahalaan para sa dalawang mag-aaral sa bawat pamilyang Tanaueño, ito ay paunang hakbang bilang sa suporta sa edukasyon tungo sa mas maunlad na Lungsod ng Tanauan.
Previous 20, January 2023 | Distribution of Sanitary Bowl and Eyeglasses.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved