๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐๐๐บ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐๐บ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐น๐ผ ๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ฆ๐ผ๐ป๐ป๐ ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ ๐๐ผ๐น๐น๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐!
Alinsunod sa maigting na suporta sa sektor ng Edukasyon pinangunahan ngayong araw nina Mayor Sonny Perez Collantes at Atty. Cristine Collantes ang matagumpay na blessing and turn over ceremony ng bagong school building at Gymnasium para sa Malaking Pulo Elementary School ngayong araw.
Ang ๐๐ฐ๐จ-๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐๐ฒ Building ay isa sa school buildings na kasalukuyang ipinatatayo sa Lungsod ng Tanauan mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny sa pamamagitan ng Special Education Fund na layong bigyan ng maayos na pasilidad ang ating mga mag-aaral na Tanaueรฑo.
Sa kuwentong ibinahagi ni Mayor Sonny isa ang naturang proyekto bilang katuparan sa kahilingan ng namayapang Kapitan na si Mr. Virgilio Garcia. Aniya, ito ang patunay na binibigyang prayoridad ng ating Lokal na Pamahalaan ang mga pangangailangan ng bawat Barangay partikular sa mga programang pang-edukasyon na magiging daan at susi sa pagtupad ng mga pangarap at pagiging matagumpay sa buhay ng ating mga kabataan.
Samantala, kabilang din sa nakiisa sa nasabing aktibidad ang Sangguniang Barangay ng Malaking Pulo sa pangunguna ni Kap. Adrian Garcia kasama sina Tanauan City SDS Ms. Lourdes Bermudez CESO VI, Assistant School Division Superintendent Dr. John Carlo Paeta, CDRRMO OIC Ms. Chevy Menguito, CSWD Head Ms. Vicky Javier, Malaking Pulo ES Principal Ms. Teresita De Castro kasama ang mga mag-aaral, guro at mga kawani ng nasabing paaralan.