๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ-๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ (๐๐๐๐๐), ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ง๐ข ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ง๐ง๐ฒ Collantes!
Tagumpay ngayong araw ang isinagawang 1st Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) Completion Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Collantes katuwang ang City Health Office, Tanauan CSWD, Tanauan PNP.

Sa kasalukuyan, apat na Tanaueรฑo ang nagsipagtapos sa nasabing rehabilitation program at binigyan ni Mayor Sonny ng bigas bilang kanilang panimula. Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin ang ating punong lungsod sa CCLDO Tanauan upang mabigyan ng kaukulang hanapbuhay ang ating mga kababayan.

Sa kasalukuyan, tuluy-tuloy ang paghahatid ng programang ito na pinamagatang “BANGON (BAgo Nating Gabay sa Obligasyon Nang pagbabago ng mga Tanaueรฑo)” ay layong bigyang-interbasyon ang ating mga kababayang naapektuhan ng ipinagbabawal na gamot.