Macro and Micro Small Business Enterprises sa Lungsod ng Tanauan

“Matututo kayong humawak ng pera, matuto kung saan ninyo dadalhin ang pera”- iyan ang binigyang diin ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong araw sa isinagawang Technical and Advisory Visit (TAV) sa harap ng ating mga Macro and Micro Small Business Enterprises sa Lungsod.
Kasabay nito ang diskusyon mula sa ating Department of Labor and Employment- Batangas Provincial Office at PESO Tanauan upang gabayan at bigyan sila ng karagdagang kaalaman kung papaano mapalalago o mapauunlad ang kanilang mga maliliit na negosyo sa Lungsod.
Sa pamamagitan nito tuturuan din sila upang alamin ang kahalagahan ng mga pangunahing paksa patungkol sa General Labor Standards, Occupational Safety and Health Standards, Child Labor at Family Welfare Program.
Previous Allowance para sa SPES Beneficiaries, ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved