Allowance para sa SPES Beneficiaries, ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Allowance para sa SPES Beneficiaries, ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Tagumpay na ipinamahagi ngayong araw ang allowance ng mga 73 mga mag-aaral na sumailalim sa Special Program for Employment Students (SPES) nitong Hunyo.
Ang nasabing pamamahagi ay pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama sina PESO Manager Edison Jallores at PESO Focal Maria Sarena A. Noche.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang mga kabataang nakibahagi sa nasabing programa at nagbigay rin ng payo upang maging mabuting empleyado at mamamayan ng Lungsod.
Tiniyak din ng Alkalde na palaging nakasuporta ang Pamahalaang Lungsod sa lahat ng mag-aaral para sa kanilang magandang kinabukasan. Habang pinaalalahanan ang mga estudyante na maging masikap sa pag-aaral upang makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Previous DSWD AICS para sa mga kababayan natin sa Ikatlong Distrito

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved