Libreng Training at Makinarya para sa mga mananahing Tanaueña

Libreng Training at Makinarya para sa mga mananahing Tanaueña, ihahatid ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at Murata Incorporated
Libreng skills training at makinarya – Ito ang magandang balita ang inihatid ng ating Punong Lungsod para sa ating mga mananahing Tanaueña ng Makalinga Sewers Association matapos ang kanilang pagbisita ngayong araw sa tanggapan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes.
Naging posible ang programang ito dahil sa patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Ccldo Tanauan sa kumpanya ng Murata Incorporated na ating katuwang sa paghahatid-hanapbuhay para sa mga Tanaueño.
Bukod dito, ibinahagi rin ng samahan ang ilan sa mga produktong tinatahi ng kanilang mga miyembro tulad ng basahan at mga uniporme.
Previous COVID-19 Contingency Plan tinalakay sa Local Health Board meeting!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved