COVID-19 Contingency Plan, pagbuo at aktibasyon ng ilang Local Councils at pagpuksa sa Dengue, tinalakay sa Local Health Board meeting!
Sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes at City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, isinagawa kahapon ang Local Health Board ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan kung saan pinag-usapan ang patuloy na pagpuksa sa sakit na COVID-19 at Dengue.
Kabilang din sa tinalakay ang pagbuo at pagbuhay ng iba’t ibang Local Councils upang maging katuwang ng ating City Health Office sa pagpapaigting para mapigilan ang pagkalat ng ibang uri ng mga sakit sa Lungsod ng Tanauan. Binigyang pansin din ng ating
Samantala, ang nasabing pagpupulong ay regular na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod upang mabigyan ng seguridad at mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan sa ating Lungsod.