Mayor Sonny Perez Collantes

LGBTQIA+ handang tumulong para sa 22nd Tanauan Cityhood Anniversary!

Mayor Sonny Perez Collantes at LGBTQIA+, naghahanda na para sa selebrasyon ng 22nd Tanauan Cityhood Anniversary!
Sa nalalapit na pagdiriwang ng 22nd Anniversary ng Tanauan Cityhood, nagkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng LGBTQIA+ kina Mayor @Sonny Perez Collantes at Atty. Cristine Collantes upang talakayin ang kanilang magiging kontribusyon sa nasabing selebrasyon.
Inihayag ng nasabing sektor ang mga programa na inihanda ng kanilang samahan, tulad ng mga aktibidad na magpapakilala sa talento at husay ng ating mga LGBTQIA+.
Sa isang banda, pinasalamatan ni Mayor Sonny ang kanilang samahan dahil sa patuloy nilang pag-suporta para sa mapaganda ang Lungsod ng Tanauan. Kaniya ring palalawakin ang adhikaing pangalagaan ang lahat ng kasarian upang labanan ang mga pambabastos at diskriminasyon.
Previous Karagdagang kagamitan mula sa Provincial Health Office.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved