Karagdagang kagamitan mula sa Provincial Health Office.

Good News, Tanaueño!
Masayang tinanggap ni Mayor Sonny Perez Collantes ang inihandog na karagdagang kagamitan mula sa Provincial Health Office ngayong araw!
Ito ay 12 Units ng “Digital Arsenator” na ginagamit sa pagbasa ng Arsenic Level o nakakalasong kemikal. Malaking bagay ang mga bagong Arsenators upang matulungan ang mga apektadong barangay lalo’t higit ang mga lugar na malapit sa Bulkang Taal sa pagsuri ng malinis na tubig para sa ating mga kababayan.
Kaya naman labis ang pasasalamat ng ating mahal na Mayor sa Pamahalaang Panlalawigan sapagkat malaking tulong ito para sa food safety ng mga Tanaueño at mabantayan nang maayos ang ground water sa mahal nating lungsod ng Tanauan.
Previous Pagbuo ng Local Inter-Agency Council at mga kasalukuyang kaganapan sa Sagip Pamilya Community Housing Project

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved