Landbank of the Philippines –Tanauan Handang Makipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at Landbank of the Philippines, Tanauan City, magiging magkatuwang para sa mas maraming Oportunidad sa mga Tanaueño!
Bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang mga opolisyal ng Landbank of the Philippines –Tanauan sa pangunguna ni LandBank AVP Manolito M. Meneses upang makipagtulungan sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na mas mapalago ang mga trabaho at oportunidad sa Tanauan.
Inihayag din nila sa ating Punong Lungsod na nakahanda silang makipagtulungan para sa pag-unlad ng ating Lokal na Ekonomiya na magbibigay ng kabuhayan sa mga Tanaueño.
Kaugnay nito, patuloy ang pakikipagpulong ng ating butihing Mayor sa mga investor para rumami ang mga developer na lilikha ng maraming oportunidad at para sa pagsulong sa kaniyang adhikain na isang Business-friendly Tanauan City.
Kaniya ring binigyang diin na bukas ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga suhestyon at mga kahilingan.
Previous Trapiche Basketball and Volleyball League 2023, pormal nang binuksan!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved