Pagbuo ng Local Inter-Agency Council at mga kasalukuyang kaganapan sa Sagip Pamilya Community Housing Project

Pagbuo ng Local Inter-Agency Council at mga kasalukuyang kaganapan sa Sagip Pamilya Community Housing Project, tinalakay ng Pamahalaang Lungsod kasama ang DSHUD at Bellavita Land Corporation
Masigasig at patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Mayor Sonny Perez Collantes at ng Pamahalaang Lungsod sa mga kawani ng Department of Human Settlements and Urban Development Region IV-A at Bellavita Land Corporation para sa pagsasakatuparan ng Sagip Pamilya Community Housing Project matapos pagpupulong ngayong araw, ika-02 ng Pebrero.
Kabilang sa tinalakay rito ay ang mga Technical Requirements ng bawat tanggapan, proposed Site Development at ang nakatakdang pagbuo ng Local Inter-Agency Council para sa mas epektibong pagpaplano, konstruksyon at implementasyon ng nasabing programa para sa ating mga kababayang Tanaueรฑo.
Habang malugod na ibinalita naman ni Housing and Resettlement Office head Mr. Eleuterio Borja na kasalukuyang on-going na ang aplikasyon ng ating mga target beneficiaries na bahagi ng disaster-prone areas simula nitong ika-31 ng Enero kung saan umabot na sa 900 na mga Tanaueรฑo ang nais maging bahagi ng Sagip Pamilya Community.
Samantala, para sa mga anunsyo patungkol sa Sagip Pamilya Community, nakatakdang magtungo ang mga kawani ng Housing and Resettlement Office sa iba’t ibang barangay sa Lungsod. Tumutok at abangan lamang ang schedule ng aplikasyon sa official Facebook page ng City Government of Tanauan.
Previous Ang pag-iisang dibdib nina Christian Mark Maraon at Eliza Sophia Uruga ng Brgy. Balele

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved