Karagdagang Frontline Personnel mula sa Department of Health.

Karagdagang Frontline Personnel mula sa Department of Health, magiging katuwang ni Mayor Sonny Perez Collantes sa pagsulong ng mga programang pangkalusugan!
Nakahandang sumuporta ang Center for Health Development ng Batangas Provincial Department of Health Office sa ating Punong Lungsod para isulong ang isang malusog at ligtas na komunidad sa ating Lungsod. Ito ay matapos ang pakikipagpulong ng mga opisyal sa pangunguna ni Mr. Carlo Cabasag kina Mayor Sonny, Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes ngayong araw.
Tinalakay rito ang pagtatalaga ng karagdagang Frontline Personnel sa Lungsod ng Tanauan upang maging katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid ng mga programang pangkalusugan sa ating mga mamamayan. Kabilang dito sina Christine Joy Arcega, Jezza Anne Balaguer, Aimie Caraan, Kimberly Jane Cariño, Cherryline De Villa at Sloana Zevedia Recreo na mula sa Human Resources for Health Department ng nasabing ahensya.
Ang nasabing programa ay bunga ng patuloy na pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod sa Pamahalaang Nasyunal dahil mahalaga para kay Mayor Sonny ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga kababayan.
Previous Eco-friendly Tanauan City.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved