Eco-friendly Tanauan City.

Pagsulong ng isang Eco-friendly Tanauan City, binigyang pansin ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang kumpanyang Alterna Verde!
Bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ngayong araw ang mga investor mula sa Alterna Verde upang makipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod para sa isang innovative solution na magsusulong ng isang Eco-friendly Tanauan city.
Ito ay pinangunahan ni Sir Von Ryan Sabili anak ni dating Department of Human Settlements and Urban Development USEC Meynard Sabili, kaniyang inihayag kina Mayor Sonny Perez Collantes at Atty. Cristine Collantes ang mungkahing pagproseso ng nakokolektang basura upang mapagkunan ng Renewable green energy.
Layon din nito na maging kabahagi sa pagbuo ng maraming oportunidad at trabaho para sa ating mga kababayan at sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya ng ating Lungsod.
Kaugnay nito, patuloy ang ginagawang hakbang ang ating butihing Mayor kung papaano mas mapapaunlad ang Lungsod ng Tanauan. Kaniya ring binigyang diin na bukas ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga suhestyon at mga kahilingan.
Previous RIGHT LANE POLICY sa Lungsod ng Tanauan.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved