Karagdagang 220 Monoblock Standard Chairs, Pinagkaloob sa DepEd Tayo Balele IHS – Tanauan City

TINGNAN | Kaagad nang nagagamit ng mga mag-aaral ng DepEd Tayo Balele IHS – Tanauan City ang karagdagang 220 monoblock standard chairs na kaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes.
Ang mga nasabing upuan ay inilaan din para sa Multi-purpose Conference Hall ng nasabing paaralan na malaking tulong upang hindi na hakutin ng mga mag-aaral ang silya paakyat ng 2nd floor tuwing may mga kumperensya.
Bukod pa ito sa naunang 940 silya na ipinadala ng pamahalaan ng lungsod ng Tanauan at tumugon upang maging 1:1 ang ratio ng silya para sa mga mag-aaral.
Ulat at larawan: dmmutia
Previous Tuluy-tuloy ang bakunahan para sa mga chikiting sa Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ng ating City Health Office!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved