Tuluy-tuloy ang bakunahan para sa mga chikiting sa Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ng ating City Health Office!

IN PHOTOS | Tuluy-tuloy ang bakunahan para sa mga chikiting sa Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ng ating City Health Office!
Sa kasalukuyan, 67.9% o higit 10,000 mga bata na may edad 9 na buwan hanggang 59 na buwan ang nabakunahan sa Lungsod ayon sa pinakabagong ulat ng DOH Batangas Province.
Patuloy din ang pag-ikot ng ating Tanauan CHO sa lahat ng barangay upang ihatid ang MR OPV SIA o Measles, Rubella, Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Vaccine. Ito ay tatagal hanggang sa katapusan ng Mayo.
Para naman sa ibang detalye, makipag-ugnayan lamang sa Tanauan City Health Office, Lunes hanggang Biyernes 8:00 AM to 5:00 PM sa Mega Health Center (Old City Hall Building) Tindalo St., Brgy. Población 3, Tanauan City.
Previous Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at BAF JODA, pormal nang nilagdaan!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved