IN PHOTOS | Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Clean Up
Nagkaroon ng malawakang clean-up drive sa bahagi ng Barangay Darasa partikular sa bahagi ng bukluran bilang pakikiisa sa paglulunsad ng Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Clean Up Program ng Department of the Interior and Local Government (DILG) katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan kasama ang buong Sangguniang Barangay ng Darasa.
Ito ay alinsunod din sa mandato ni Mayor Sonny Perez Collantes na hikayatin ang bawat mamamayan na makiisa sa ganitong uri ng programa upang isulong at panatilihin ang ligtas, malinis at maayos na kapaligaran sa Lungsod ng Tanauan.