Interview and Orientation ng Food for Work Program ni Mayor Sonny Perez Collantes at DSWD, sinimulan na ngayong araw!
Umabot sa 1,000 na mga Tanaueño ang kasalukuyang mabibigyan ng 10 Days Food for Work Program na hatid ng Department of Social Welfare and Development sa pangunguna ni DSWD Sec. Rex Gatchalian katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama si Atty. Cristine Collantes katuwang ang tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes at Tanauan Local Social Welfare and Development.
Ang mga nasabing benepisyaryo ay mga kababayan natin mula sa mga Barangay na naapektuhan ng Volcanic Smog. Layunin nito na bigyan sila ng pansamantalang trabaho sa kani-kanilang komunidad na tatagal ng 10 araw upang mabigyan ng tulong-suporta katulad ng Food packs at Grocery.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang buong pamunuan ng DSWD sa patuloy na pagbababa ng mga programang aalalay sa ating mga kababayang nangangailangan. Kaniya ring binigyang diin na ito ay kabilang sa pamamaraan ng ating Lokal na Pamahalaan na kanilang kaagapay at takbuhan sa tuwing may mga sakuna at kalamidad.