IN PHOTOS | Technical Vocational Training Programs Graduation Ceremony
TAGUMPAY na nagsipagtapos ngayong araw ang 113 na mga Tanaueñong sumailalim sa libreng skills training na hatid ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Ccldo Tanauan.
Ilan sa mga libreng TechVoc training na inihatid sa pamamagitan ng TESDA katuwang ang Synergy Assessment and Training Center at Excelsior Center For Excellence Inc. ay ang mga sumusunod:
• Events Management NC III
• Shielded metal arc welding (SMAW) NC I & NC II
• Hair Dressing
• Hair Make Up
• Nail Care/Hand and Foot Spa
Samantala, sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin nito ang kahalagahan ng mga programang mag-aangat sa pamumuhay ng ating mga kababayan.
Bukod rito, nagpaabot din si Mayor Sonny ng pangkabuhayan kits na kanilang magagamit bilang panimulang panghanapbuhay.
Habang kabilang din sa nakiisa sa awarding sina TWCC President Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes na nagsilbing kinatawan ni Congw. Maitet na kabahagi ng pamahalaang lungsod sa pagsusulong ng programang pangkabuhayan para sa lahat ng sektor.