Graduation Ceremony para sa mga kababayan nating benipisyaryo ng 4Ps

Graduation Ceremony para sa mga kababayan nating benipisyaryo ng 4Ps, tagumpay na naisagawa ngayong Linggo!
Naging matagumpay ang ginanap na Graduation Ceremony ng ating mga kababayang dating benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development at sa pakikipagtulungan sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at City Social Welfare and Development Office.
Pugay Tagumpay 2022 ang nagsilbing tema ngayong taon kung saan nasa 184 na mga benipisyaryong pamilya ang nakiisa at dumalo sa nasabing seremonya. Layon nito na ipakita ang malaking kontribusyon ng ganitong uri ng programa sa ating mga kababayan upang makaahon sa problema ng kahirapan, sa tulong nito ilang pamilya na sa ating Lungsod at sa buong bansa ang natulungan upang mapaunlad ang kanilang buhay.
Binigyang diin naman ni Mayor Sonny na patuloy niyang paiigtingin ang pagkonsulta sa ating mga kababayan sa bawat komunidad upang mabibigyang tulong ang bawat pamilya sa ating Lungsod at makasali sa mga ganitong programa ng ating Pamahalaang Nasyunal.
Previous Pagsisimula ng 18-Day Campaign to End VAW sa Lungsod ng Tanauan,Tagumpay ngayong gabi!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved