GOOD NEWS | Tanauan City, African Swine Fever(ASF)-Free Area na!
Pormal nang idineklarang ASF-Free area ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Lungsod ng Tanauan nitong ika-30 ng Setyembre matapos sumailalim at tumupad ito sa ASF Exit from Quarantine Protocol.
Ang anunsyong ito ay iginawad ni Batangas Provincial Veterinarian Dr. Romelito Marasigan at Dr. Annie Lajarca kay Tanauan City Veterinarian Dr. Aries P. Garcia na nangangahulugang mas luluwag na ang kalakalan ng mga baboy palabas sa ating lungsod.
Alinsunod din ito sa idineklara ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, mula sa rekomendasyon ng Tanggapan ng Beterinaryong Panglungsod na ang mga barangay ng Tinurik, Montaña at Banjo West ay ASF-Free na simula noong ika-19 ng Setyembre.
Magsisilbi rin itong oportunidad upang mas makapagbigay pa ng mas mataas na kita sa mga magbababoy at muling magpapasigla ang industriya nito sa lungsod.