General Assembly, Tanauan

General Assembly Day ng Barangay Darasa

Pagsulong ng nagkakaisang komunidad at kaunlaran para sa Barangay ng Darasa, inihayag ni Mayor Sonny Perez Collantes sa isinagawang Darasa General Assembly!
Nakiisa ang ating Punong Lungsod Sonny sa matagumpay na General Assembly Day ng Barangay Darasa na idinaos kahapon sa Bernardo Lirio Memorial Central School.
Dito’y kaniyang pinasalamatan ang bawat opisyal ng naturang Barangay na pinamumunuan ni Kapitan Lowi Flores, gayundin ang iba’t ibang organisasyon at mga mamamayan ng Darasa, para sa kanilang dedikasyon na magtulong-tulong at magkaisa upang mapaunlad ang minamahal nilang barangay.
Tiniyak naman ni Mayor Sonny na patuloy na susuporta ang Pamahalaang Lungsod sa kanilang Barangay, sa pamamagitan ng pagbababa ng mga proyekto at programa sa mga Tanaueño partikular na sa sektor ng edukasyon, kalusugan at ekonomiya.
Present din si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at 3rd District Representative Chief of Staff Atty. King Collantes para naman sa pagsulong ng mga panukalang batas na magbibigay ng karagdagang pondo para sa kanilang mga proyekto sa ating mga kabarangay sa Darasa.
Mabuhay po ang Barangay Darasa!
Previous Blood Letting Activity ng Philippine Red Cross -Batangas Chapter

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved