Blood Letting Activity ng Philippine Red Cross -Batangas Chapter

Matagumpay na Blood Letting Activity, naging daan para sa mas maraming programang pangkalusugan na isasagawa sa Lungsod!
Iba’t ibang institusyon at paaralan ang nakiisa sa isinagawang Blood Letting Activity ng Philippine Red Cross -Batangas Chapter na layong makasagip ng buhay para sa mga kababayan nating nangangailangan ng dugo.
Present sa nasabing aktibidad sina Red Cross Batangas Chapter President Mr. Francisco Lirio at Committee Chair on Blood Services and Red Cross Youth Mr. Marco Amurao at mga miyembro ng Alex Torres Institute for Young Humanitarian Leaders Inc. upang pasinayaan at iorganisa ang matagumpay na pagsasagawa ng programa.
Sa tulong din ni na ibinigay ni Mayor Sonny Perez Collantes, kanilang ipinagpasalamat ang mabilis na tugon nito para humiling ng suporta mula sa Pamahalaang Lungsod, gayundin ang papuri sa Tanauan Institute Inc. na naging katuwang sa nasabing aktibidad.
Samantala, pinuri naman ni Mayor Sonny at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang mga organisasyon at kabataan na nakiisa na malaki ang magiging kapakinabangan sa pagsagip at pagligtas sa mga kababayan nating nangangailangan ng dugo sa Lungsod ng Tanauan at sa buong ikatlong distrito ng Batangas.
Previous 2023 Regional Athletic Association Meet

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved