Pinulong ni Mayor Sonny Perez Collantes ang ilan sa mga frontline offices tulad ng CSWD, GSO, CSU, Liga ng mga Barangay at CDRRMO bilang paghahanda sa paghagupit ng Bagyong #BettyPH sa Lungsod ng Tanauan.
Naka-standby na rin ang lahat ng sasakyan ng Pamahalaang Lungsod kabilang na ang mga service vehicle ng bawat barangay sakaling ilikas ang ating mga kababayang maapektuhan ng baha at landslide.