Ligtas at Payapang Lungsod ng Tanauan, Paiigtingin ng Pamahalaang Lungsod Katuwang ang Police Regional Officer 4A!

Mas ligtas at payapang Lungsod ng Tanauan, paiigtingin ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang Police Regional Officer 4A!
Sa patuloy na pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa mga ahensya ng Pamahalaang Nasyunal, nakipagpulong ngayong hapon sina Regional Director PRO4A CALABARZON PBGen Carlito M. Gaces at Regional Internal Affairs Service 4A PBGen Joseph Bayan upang talakayin ang mga programang magpapalawig ng kaayusan para sa Lungsod ng Tanauan.
Bahagi rin nito si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes upang makiisa sa pagpapalawak ng seguridad ng mga mamamayan hindi lamang sa Lungsod gayundin sa buong Ikatlong Distrito ng Batangas.
Previous Tanauan Vs. Muntinlupa; 2nd Southern Manila Inter-LGU Volleyball League!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved