TINGNAN | Kasalukuyan nang naghahanda sa Laurel Memorial District Hospital ang buong Surgical Team ng St. Luke’s Medical Center-Global City sa pangunguna ni St. Luke’s Medical Center Foundation Inc. CEO & President Dr. Arturo S. Dela Peña.
Naka-confine at sumasailalim na rin ngayon sa pre-surgical assessment ang ating higit 70 na mga Tanaueñong benepisyaryo ng Free Surgical Mission hatid ng nasabing grupo katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at City Health Office (CHO).