Suporta Pangkabuhayan: Welding Kits at Financial Assistance, inihatid ng Pamahalaang Lungsod para sa mga MSMEs, Koop Kabuhayan Centers at Skills-trained na mga Tanaueño
Suportang Pangkabuhayan – ito ang ilan sa programang patuloy na inihahatid ng ating Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Ccldo Tanauan! Kaya naman kasabay ng Trade Fair, isinagawa rin kahapon ang awarding ceremony ng mga bagong makinarya at tulong pinansyal para sa mga kababayang Tanaueño.
Sa kabuuan, umabot sa 90 MSMEs at 10 Koop Kabuhayan Centers ang personal na pinagkalooban ng tulong pinansyal ni Mayor Sonny kasama si CCLDO head Ms. May Teresita Fidelino bilang dagdag puhunan para sa mga locally-assisted cooperatives ng Pamahalaang Lungsod.
Samantala, 8 Welding Machine naman ang ipinaabot ng ating Alkalde para sa ating mga Tanaueñong nagsipagtapos ng Welding NC I sa ilalim ng TESDA na inisyatibo ng Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes.
Habang nagpaalala naman si Mayor Sonny na patuloy na makikibahagi ang kaniyang tanggapan upang matulungang mapalago ang Negosyo ng ating mga Tanaueño tungo sa sama-samang pag asenso ng Lungsod ng Tanauan.
Bukod dito, isinagawa rin sa pangunguna ng DTI-Batangas, Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), SB Corporation at Cooperative Development Authority, at Union Bank ang Negosyo Pangkabuhayan Caravan na naghatid ng Negosyo tips at Livelihood mentoring para sa ating mga kooperatiba at MSMEs.