Flu Vaccination para sa mga Senior Citizen

Flu Vaccination para sa mga Senior Citizen, isinasagawa ngayong araw!
Mula sa direktiba ng ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang City Health Office nagsagawa ng Flu Vaccination sa Gymnasium II para sa ating mga kababayang Senior Citizen sa Lungsod.
Naging posible ang nasabing aktibidad sa tulong ng ating ina ng ikatlong distrito Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes kung saan pinagkalooban ang ating Lungsod ng 2,000 doses ng Flu vaccine para sa ating mga Senior.
Kabilang lamang ito sa mga programang pangkalusugan ng ating Punong Lungsod upang maipadama sa ating mga Senior Citizen ang kalinga at pangangalaga ng ating lokal na pamahalaan.
By: Fash
Previous Muling nagkaroon ng pagpupulong ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved