Muling nagkaroon ng pagpupulong ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes

Muling nagkaroon ng pagpupulong ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama ang mga kapitan ngayong araw para talakayin ang mga pangangailangan sa kanilang mga nasasakupan.
Naging bahagi rin nito si Atty. Cristine Collantes na naghayag ng kaniyang suporta at nagbigay ng suhestyon sa mga isasagawang programa at proyekto na higit na makakatulong sa ating mga kababayan.
Ang isinasagawang konsultasyon sa mga kapitan ay bahagi ng panata ni Mayor Sonny na “Consultative Leadership” na layong malaman ang kalagayan at pangangailangan ng bawat mamamayang Tanaueño sa ating Lungsod.
Previous Mabuhay ang bagong kasal!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved