FIRST FLORAL FAIR AND EXPO sa Southern CALABARZON, binuksan sa Lungsod ng Tanauan
Bilang paggunita sa espesyal na selebrasyon ng Mother’s Day sa Lungsod ng Tanauan, Pormal nang binuksan kaninang umaga ang kauna-unahang FIRST FLORAL FAIR AND EXPO sa Southern CALABARZON sa pangunguna ni Flora 4U Imported Flowers Owner Mr. Beni Maligalig kasama sina Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes bilang kinatawan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes.
Ayon kay Mr. Beni, isang ‘milestone’ kung maituturing ang nasabing aktibidad kung saan alay ito para sa mga Tanaueñang Nanay partikular na sa kaniyang ina na si Ms. Flor na inspirasyon niya sa pagtatayo ng nasabing negosyo.
Habang nagpaabot naman ng taos pusong pagbati sina Atty. Cristine sa mga bumubuo ng matagumpay na programa na ito dahil sa walang sawang pakikipag-ugnayan nito sa ating lokal na pamahalaan para sa patuloy na pagpapakilala ng ating Lungsod sa pamamagitan ng kanilang negosyo.
Habang ginarantiya naman ni 3rd District of Batangas Chief of Staff Atty. King Collantes na patuloy ang pagsuporta ng Tanggapan ni Congw. Maitet sa iba’t ibang industriyang
Samantala, nananariling FREE ADMISSION ang naturang expo hanggang bukas ika-14 ng Hunyo sa loob ng Gov. Modesto Castillo Cultural Memorial Center, Brgy. Pob. 2 Tanauan City.