FUNdawan Weekend Market sa Tanauan, bukas na sa publiko!

TINGNAN | FUNdawan Weekend Market sa Tanauan, bukas na sa publiko!
Alinsunod sa layunin ni Mayor Sonny Perez Collantes na palakasin ang MSMEs at turismo sa Lungsod, Pormal nang binuksan ngayong gabi ang FUNdawan Weekend Market kung saan matatagpuan ang iba’t ibang locally-made products ng ating mga kababayang Tanaueño.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, binigyang-importansya nito ang paghahatid ng mga programang makatutulong sa ating mga locally-assisted na mga MSMEs. Katuwang ang Ccldo Tanauan, mas pinapalawak aniya ang mga serbisyong hatid ng pamahalaan tulad ng libreng trainings, pagpapaabot ng kagamitang pantinda at pagtatayo ng Weekend market upang mapalaki ang kita ng ating mga kababayan at matulungan ang ekonomiya ng Lungsod.
Bukod dito, isa-isang binisita rin ng alkalde ang mga stalls rito kabilang na ang mga street food vendors nating benepisyarsyo ng NegoKarts na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan kamakailan.
Samantala, bukas ang FUNdawan Weekend Market tuwing Biyernes hanggang Sabado (9:00 AM – 9:00 PM) sa harap ng Gov. Modesto Castillo Cultural Memorial Center, Brgy. Pob. 2, Tanauan City.
Previous Coconut Farmers General Asembly

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved