Mga prayoridad na programa para sa mga Tanaueñong Senior Citizens, tinalakay sa Federation of Senior Citizens Regular Meeting
Nakiisa sa ginanap na regular na pagpupulong ng Tanauan City Federation of Senior Citizens ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes upang alamin ang mga mungkahing programa ng nasabing grupo sa pangunguna ni Federation President Leandro Mercado.
Partikular na ibinahagi ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ay ang programang C-Card o ang Citizen card na naglalaman ng tulong pinansyal na maaaring magamit ng ating mga kababayan sa kanilang medikal na pangangailangan.
Bukod dito, nagkaroon din ng maiksing ulat-bayan ang alkalde patungkol sa kasalukuyang CGT Business One-Stop-Shop, Financial, Burial at Hospitalization Assistance, aksyon ng lokal na pamahalaan patungkol sa koleksyon ng basura, nakatakdang educational scholarship program, at programang pangkalusugan tulad ng prostate specific antigen (PSA) na gamit upang ma-detect ang prostate cancer at tumor marking test na hatid ng City Health Office (CHO).
Kabilang din sa tinalakay sa nasabing pagpupulong ay ang pagtuturo sa ating mga senior citizens ng tamang pagsagot sa Commission Data Base na kinakailangan para sa kabuuang datos ng National Commission of Senior Citizens para sa Lungsod ng Tanauan.