Federation of Senior Citizens of Tanauan Monthly Meeting

IN PHOTOS 📷 | Federation of Senior Citizens of Tanauan Monthly Meeting
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, isinagawa ngayong umaga ang buwanang pagpupulong ng Federation of Senior Citizens ng Lungsod ng Tanauan sa pangunguna nina OSCA Head Ms. Gloria Abrenica at Mr. Nardo Mercado kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. Cristine Collantes upang talakayin ang mga programa at mga benepisyo para sa kanilang sektor.
Kabilang sa tinalakay ang paghahanda ng kanilang samahan para sa nalalapit na pagdiriwang ng ‘Elderly Week’. Habang pagtutuunang pansin naman ni Mayor Sonny ang ihahandang mga aktibidad para sa kanilang espesyal na okasyon.
Bukod dito, binigyang diin ng ating Punong Lungsod na patuloy ang kaniyang isinasagawang hakbang para sa pagpapalawig ng mga karagdagang insentibo upang mapangalagaan ang ating mga Senior Citizens.
Previous Nutrition Month, ginunita sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved