Nutrition Month, ginunita sa Lungsod ng Tanauan

Nutrition Month, ginunita sa Lungsod ng Tanauan; Mga programang pangkalusugan at dagdag honorarium ng BHW at BNS, bibigyang-aksyon!
Bilang bahagi ng Selebrasyon ng Nutrition Month ng Lungsod ng Tanauan, pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama nina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at TWCC President Atty. Cristine Collantes ang inihandang programa ng ating Tanauan City Health Office kasama ang ating mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholar ngayong araw.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang ibinahagi ang aktibong paghahatid ng mga programa ng Tanauan CHO pagdating sa pagpapanatili ng kalusugan ng bawat pamilyang Tanaueño. Kaniyang binanggit din na tuluy-tuloy ang pagpapaabot ng medikal na serbisyo ng ating Tanauan Super Health Center.
Habang kaniya ring hahanapan ng paraan upang madagdagan ang natatanggap na honorarium ng ating mga masisispag na BHW at BNS na ating katuwang sa bawat barangay.
Samantala, ayon naman kay Congw. Maitet, palagiang bukas ang kaniyang tanggapan para sa lahat ng pangangailangan pagdating sa sektor ng pangkalusugan.
Previous Philip Morris katuwang ng Pamahalaan para sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng Lungsod ng Tanauan!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved