Federated Parent-Teacher Association (FPTA) at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan,magtutulungan tungo sa dekalidad na edukasyon!

Federated Parent-Teacher Association (FPTA) at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, magtutulungan tungo sa dekalidad na edukasyon!
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes na paigtingin ang pangangalaga sa ating mga kabataang Tanaueño, nagsama-sama ngayon araw ang mga kinatawan ng Tanauan City Schools Division, mga magulang at guro ng mga pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod upang talakayin ang iba’t ibang programang magtataas sa kalidad na edukasyon sa Lungsod
Sa programang Halika’t Magkape Tayo (Phase II) na pinasinayaan ng Federated Parent-Teacher Association sa pangunguna ni FPTA President Antonnette Corpuz, binigyang-diin ni Local School Board Chair Mayor Sonny ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga magulang at guro sa pagpapaunlad ng kakayahan at talion ng ating mga mag-aaral. Aniya, mahalagang hakbangin ang pagkakaroon ng isang organisasyon at pakikipagtulungan nito sa lokal na pamahalaan upang masigurong natutugunan ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon, kabilang na ang pagresolba sa kasaluyang Learning Gap na nararanasan ng bansa.
Habang bilang Vice Chairperson on Higher and Technical Education, nanindigan si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na patuloy ang pagbibigay-suporta ng Kongreso katuwang ang DepEd Tayo, Commission on Higher Education(CHED), at TESDA upang siguraduhing dekalidad ang mga learning spaces at modalities na naibababa ng ating nasyunal na gobyerno sa bawat paaralan at siyang pinagyayaman ng ating mga komunidad.
Kabilang din sa nakiisa at nagpaabot din ng suporta si Tanauan Institute Inc. President Atty. King Collantes, kabilang na sina Schools Division Superintendent OIC Rogelio Opulencia, School Governance & Operations Division Dr. Maximo Custodio Jr. at Senior Education Program Specialist at FPTA Focal Person Romel Villanueva.
Previous 28 NOVEMBER 2022 | TANAUAN CITY’S 19TH FLAG CEREMONY

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved