28 NOVEMBER 2022 | TANAUAN CITY’S 19TH FLAG CEREMONY
Sa ika-19 na regular na Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas ngayong araw sa New City Hall, sinimulan ni Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang kaniyang ulat-bayan sa pagkilala sa mga natatanging Tanaueñong nagkamit ng iba’t ibang karangalan.
Una rito ay si Ainna Eunice Narvacan ng Brgy. Santor na nagkamit ng Outstanding Business Plan, innovative Entrepreneurial Pitch on the BAJAJ Maxima Cargo and effectively showcasing Filipino, ingenuity, culture, and identity sa katatapos lamang na Nakakalocal InvestSTAR: COLLEGE Battles 2022 nitong ika-17 ng Nobyembre na nilahukan ng mga Kolehiyo at Unibersidad sa buog bansa.
Habang kinilala naman sa ginanap na Techno Gabay Program Summit 2022 ang husay ng ating FITS-Tanauan ng Office of the City Agriculturist – FITS Tanauan sa kanilang pag-iimplementa ng Techno Gabay Program sa s ating Lungsod.
Bukod dito, ibinalita rin ng ating alkalde na nakatakdang parangalan ang ating Lungsod sa ika-07 ng Disyembre para sa 22ND GAWAD KALASAG SEAL FOR FULLY COMPLIANT DRRM COUNCILS AND OFFICES.
Samanatala, hinikayat din ni Mayor Sonny ang ating mga kababayan na makilahok sa gaganaping Opening Ceremony ng Exhibit na inihanda ng Gad Tanauan kung saan tampok rito ang mga aktibidad patungkol sa 18-Day Violence Against Women (VAW) tulad ng paghahatid ng free legal advice.