Executive Vice President ng Provincial Women, Atty. Cristine Collantes, Mayor Sonny Perez Collantes

Executive Vice President ng Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc.

Congratulations, Atty. Cristine!
Atty. Cristine Collantes, pormal nang nanumpa bilang bagong Executive Vice President ng Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc.
Kasabay ng pagdiriwang ng buwan ng kababaihan, pormal nang nanumpa si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes ngayong araw kasama ang mga bagong miyembro nito sa Provincial Government of Batangas na pinasinayaan ni Gov. Dodo Mandanas na nagsilbi bilang Administered Officer.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang Tanauan City ay nagkaroon ng opisyal sa PWCC, habang magiging daan naman ito upang mas mapalawak ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at ni Atty. Cristine ang pagbuo ng mga programang magsusulong upang mabigyang proteksyon at mapangalagaan ang bawat karapatan ng kababaihan sa Lungsod ng Tanauan.
Muli, sa ngalan ng pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, buong puso naming ipinagmamalaki ang iyong dedikasyon sa serbisyo publiko! Karangalan din naming magkaroon ng isang Lingkod bayan na binibigyang boses ang mga kababaihan sa Lungsod ng Tanauan at maging sa buong Lalawigan ng Batangas.
Previous “TANAUAN CITY MEGA HEALTH CENTER!”

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved