MAGANDANG BALITA TANAUEÑOS!
Thank you “Old Tanauan City Hall!”
Welcome “TANAUAN CITY MEGA HEALTH CENTER!”
Pormal nang binuksan ang Mega Health Facility sa Lungsod ng Tanauan matapos pasinayaan ito ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes, Atty. Cristine Collantes, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at katuwang ang Tanauan City Health Office.
Ayon kay Mayor Sonny, inisyatibo ito ng lokal na pamahalaan na masigurong natutugunan ang pangangailangang medikal ng ating mga kababayan habang masusing pinapaplanuhan ang pagtatayo ng pampublikong ospital ang Lungsod.
Bukod dito, binanggit din ng Alkalde ang patuloy ang pakikipagtulungan nito sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan at pribadong sektor tulad ng Tanauan Medical society upang maihatid ang mga serbisyo tulad ng obstetric and general medical consultation at karagdagang laboratory machines at medical personnel.
Sa kasalukuyan, narito ang mga serbisyong maaaring kunin sa ating Mega Health Facility:
• Medical Consultation
• Minor Surgery Operation
• Family Planning
• New Born Screening
• Adolescent Clinic/Teen Health Kiosk
• Animal Bite Center
• Sanidad Disinfection and Misting Fumigation
• City Epidemiology surveillance unit (for monitoring of communicable disease)
• Vax Cert assistance
• Enrollment of Philhealth for LGU sponsored members
• Pharmacy
Habang bukas ang Tanauan City Mega Health Facility, Lunes hanggang Biyernes 8:00 AM to 5:00 PM na matatagpuan sa dating Old City Hall Building Tindalo St., Brgy. Población 3, Tanauan City.