Evaluation and Planning para sa 4Ps Pugay Tagumpay Graduates

Evaluation and Planning para sa 4Ps Pugay Tagumpay Graduates, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Tanauan CSWD
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Tanauan CSWD, kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ang Evaluation and Planning para sa mga kababayan nating naging benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Lungsod ng Tanauan.
Ang programang ito ay bahagi ng “aftercare program” ng pamahalaang lungsod upang patuloy na maalalayan ang ating mga Tanaueño para sa kanilang mga pangangailangan.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binanggit ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan para sa pagbababa ng mga programang mula sa pamahalaang nasyunal tulad ng DSWD.
Habang nagpaabot naman ng suporta si Congw. Maitet Collantes na isa sa nagsulong nga 4PS sa nasabing programa na ating katuwang sa Kongreso sa pagbababa ng mga social services program para sa Ikatlong Distrito.
Kabilang din sa nasabing programa ay ang pagbabahagi ng ilang mga benepisyaryo ng kanilang mga naging karanasan at malaking ambag ng programang 4Ps upang mapatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak.
Bukod dito, nagpaabot din si Mayor Sonny at Congw. Maitet ng mga grocery packs para sa bawat kinatawan ng pamilyang Tanaueño na nakiisa sa pagpupulong.
Previous Philippine Halal Export Development and Promotion Board

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved