Patuloy ang pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaang nasyunal tulad ng Philippine Halal Export Development and Promotion Board sa pangunguna ni Hon. Sultan Faizal Coyogan Bansao upang masiguradong dekalidad ang naiaangkat na karne mula sa ating Halal Certified Slaughter House.
Sa pagbisita ni Board Member Hon. Sultan Faizal Coyogan Bansao, ibinahagi ni Mayor Sonny ang kasalukuyang estado ng ating Local Slaughter House at ang mga kasalukuyang interbasyon na isinasagawa ng lokal na pamahalaan na mapanatiling malinis at maayos ang pasilidad at proseso ng pagkakatay ng mga karne rito.
Ibinahagi rin ni Mayor Sonny ang planong pakikipagtulungan sa nasabing ahensya upang masigurong nasusunod ng ating Slaughter House ang mga itinakdang polisiya ng Republic Act 10817 o “Philippine Halal Export Development and Promotion Act of 2016.
Bukod rito, ayon kay PHEDPB Board Mmeber Hon. Bansao, bukas ang kanilang tanggapan sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaaang Lungsod patungkol naman sa promotion at pag-export ng mga Halal certified na produkto ng Lungsod ng Tanauan na tiyak na makapaghahatid ng karagdagang hanapbuhay para sa ating mga Tanaueño.