𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐞ñ𝐨, 𝐢𝐧𝐢𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰!
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, tagumpay ngayong araw ang pagpapaabot ng Re-Payroll ng Educational Assistance para sa karagdagang 3,184 na Tanaueñong mag-aaral sa 24 na mga barangay sa Lungsod.
Ang nasabing programa ay patuloy na ipinaabot sa bawat mag-aaral sa Lungsod ng Tanauan upang masiguradong natutugunan ang pangangailangan ng ating mga Kabataang Tanaueño partikular na ang dekalidad na edukasyon.