Tanaueño, Mayor Sonny Perez Collantes, Tanauan, Nutrition Security

Nutrition Program Para Sa Mga Tanaueño

Programang pangkalusugan ng mga Tanaueño, tututukan ng National Nutrition Council-CALABARZON at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan. Sa ginaganap na Courtesy Meeting ng National Nutrition Council- CALABARZON sa Tanggapan ng mga Mamamayan, partikular na tinalakay ang pagpapalawig ng Nutrition Security sa Lungsod nina Ms. Lourdes Bulante-Orangan at Ms. Kyla Guardia kasama nina Mayor Sonny Perez Collantes, Atty. Cristine Collantes, CHO Department Head Dra. Anna Dalawampu at City Nutritionist Ms. Lilibeth Ramos

Tanaueño, Mayor Sonny Perez Collantes, Tanauan, Nutrition Security

Kabilang sa magkatuwang na ihahatid ng nasabing tanggapan ay ang epektibo at sistematikong implementasyon ng Nutrition Program para sa taong 2024. Bukod dito, kabilang din sa pinag-usapan at tututukan ay ang Functniolaity Assessment ng Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) Pro ng lokal na pamahalaan upang mapanatiling malusog ang ating mga mamamayang Tanaueño.
Previous Tugon sa Pangangailangang Pinansyal sa Pamamagitan ng AICS

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved