Dekalidad na Pagawain Bayan, Ihahatid ng Pamahalaang Lungsod.

Kaugnay sa nakatakdang konstruksyon ng Sagip Pamilya Community Hosuing Project at mga pagawain bayan sa Lungsod ng Tanauan, nakipagpulong ngayong araw sina Mayor Sonny Perez Collantes at TWCC President Atty. Cristine Collantes sa mga kinatawan ng Star Tollway Corporation.
Ayon kay Mayor Sonny, malaki ang magiging kontribusyon ng nasabing kompanya upang maging accessible ang mga pangunahing kalsada sa Lungsod ng Tanauan kabilang na ang itatayong housing project at mga farm-to-market roads katuwang ang DPWH.
Habang sinigurado naman ng pamunuan ng Star Tollway na bukas ang kanilang tanggapan sa paghahatid ng dekalidad na mga pagawaing bayan na magpapabilis ng serbisyo at transportasyon sa Lungsod tungo sa bawat mamamayang Tanaueño.
Previous Karagdagang 220 Monoblock Standard Chairs, Pinagkaloob sa DepEd Tayo Balele IHS – Tanauan City

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved