Educational Assistance para sa mga Kabataang Tanaueño, ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ngayong araw!
Umabot sa kabuuang 592 na mga Kabataang Tanaueño ang nakatanggap ng educational assistance ngayong araw mula sa inisyatibo ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, katuwang si Third District Representative Chief of Staff Atty King Collantes, Barangay Affairs Office at City Treasury Office.
Ang mga nasabing benepisyaryo ay mga kolehiyong mag-aaral mula sa iba’t ibang pamantasan na bahagi ng Academic Scholarship at Scholarship and Youth Development Program (SYDP) ng ating lokal na Pamahalaan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon sa bawat pamilyang Tanaueño, tuluy-tuloy pa rin ang isinasagawang interview at assesment para sa iba pang kwalipikadong mag-aaral sa iba pang mga barangay katuwang ang Barangay Affairs Office sa pangunguna ni Ms. Jiennch Nones.