Educational Assistance ibinahagi sa mga Tanaueñong mag-aaral mula sa Brgy. Santor at Janopol Oriental

TINGNAN | Educational Assistance, ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Santor at Janopol Oriental
Kaninang umaga, umabot sa kabuuang 1,764 na mga mag-aaral mula Brgy. Santor at Janopol Oriental ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance katuwang ang Barangay Affairs, City Treasury Office at mga kawani ng bawat Sangguniang Barangay.
Nakiisa rin sa aktibidad na ito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes, Tanauan City College Administrator Mr. Jun Goguanco at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. BGEN. Ben Corona, Kon. Sam Torres Aquino Bengzon, Kon. Dra Kristel Guelos, Kon. Eric Manglo ay Kon. Czylene Marqueses na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.
Previous Public Scoping para sa itatayong Sagip Pamilya Community Housing Project

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved