Public Scoping para sa itatayong Sagip Pamilya Community Housing Project

Public Scoping para sa itatayong Sagip Pamilya Community Housing Project, isinagawa ngayong araw!
Upang mabigyan ng karagdagang impormasyon ang ating mga Tanaueño patungkol sa Sagip Pamilya Community Housing Project, kasalukuyang pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong araw ang Public Scoping katuwang ang Housing and Resettlement Office at City Planning and Development Office sa Brgy. Sambat.
Dito ay iniulat ni Mayor Sonny ang kasalukuyang update sa housing project na ito kung saan noong Miyerkules ay naisumite na ang mga kinakailangang dokumento para sa site development and construction sa DHSUD at SFHCI. Bukod dito, ibinahagi din ng ating Alkalde ang karagdagang hakbangin upang mabigyan ng pagkakataon ang mga maliliit nating kababayan na magkaroon ng maayos at disenteng tirahan.
Bukod dito, layon ng aktibidad na ito na ihatid ang mga kaukulang impormasyon patungkol sa nasabing programa tulad ng unit specifications at perspective building design katuwang ang Green Asia Construction and Development Corporation. Habang nagsagawa rin ng Open Forum sa pagitan ng mga dumalo at CPDO at Housing upang malaman ang kanilang mga suhestiyon at rekomendasyon para sa programang pabahay na ito.
Previous Tulong Pinansiyal para sa Pangangailang ng bawat Tanaueño

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved