DSWD AICS para sa mga kababayan natin sa Ikatlong Distrito, ipinamahagi ni Atty. King Collantes katuwang ang Pamahalaang Lungsod at DSWD!
Umabot sa kabuuang 101 na mga Batangueño mula sa iba’t ibang bayan sa ating Distrito ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Department of Social Welfare and Development – Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa pamamagitan ng opisina ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collanteskatuwang ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, Department of Social Welfare and Development at Tanauan Local Social Welfare and Development.
Ang naturang pamamahagi ay pinangunahan ni 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes bilang kaagapay ng ating mga kababayan sa paghahatid ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance.