International Day of Cooperative, ginunita sa Lungsod ng Tanauan

International Day of Cooperative, ginunita sa Lungsod ng Tanauan; Tree Planting Activity, pinangunahan ng ating mga Locally-assisted Cooperatives
Bilang bahagi ng paggunita ng International Day of Cooperatives sa Lungsod ng Tanauan, isinagawa ang simultaneous tree planting activity ngayong araw na pinangunahan ni TWCC President Atty. Cristine Collantes bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Tanauan City Cooperative Development Council (TCCDC), Ccldo Tanauan at Community Affairs Office.
Tinatayang aabot sa higit 200 mga puno ang itinanim ng ating mga miyembro ng 17 mga kooperatiba sa Lungsod na layuning makiisa sa isinusulong ng lokal na pamahalaan na Technology Demonstration Area para sa mga Philippine Local Fruit Trees upang mapangalagaan ang kalikasan ng Lungsod.
Habang nakibahagi rin sa makabuluhang aktibidad si Cooperative Development Authority Mr. Salvador Valeroso na katuwang sa pag-alalay sa ating mga Tanaueñong kooperatiba.
Previous Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved