‘DOON PO SA AMIN SA BATANGAS INFOTOUR’

‘DOON PO SA AMIN SA BATANGAS INFOTOUR’
Bilang bahagi ng pagbubukas ng “DOON PO SA AMIN SA BATANGAS FILM FESTIVAL 2022”, naging matagumpay ngayong araw ika-13 ng Oktubre, ang isinagawang Info Tour patungkol sa epektibong paglikha ng pelikula— sa pangunguna ng BATANGAS FORUM at tanyag na Direktor na si Mr. Leo Martinez.
Dito ay ibinahagi ni Direk Leo ang mga kailangan tandaan sa Digital Film Making kabilang na ang pagbibigay buhay sa kwento at tamang paggamit ng kamera at kulay sa mga eksena. Nagkaroon din ng open forum kung saan tinalakay ang kahalagahan ng pagtaguyod sa talento at pagiging likas na malikhain ng mga Batangueño sa industriya ng pelikula.
Ito ay dinaluhan ng mga kawani at opisyal ng iba’t ibang tanggapan kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Acting City Vice-Mayor/Konsehal Sam Torres Aquino Bengzon– Chairperson ng Committee on tourism, archives and historical matters at Acting City Mayor/Vice Mayor Atty. Jun-jun Trinidad.
Handa naman makipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na palakasin ang sining at kultura hindi lamang ng Tanauan kundi ng buong Probinsya ng Batangas.
By: Nic
Previous Good News po, mga Tanaueño!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version